Tiniyak ng Civil Aeronautics Board (CAB) na kanilang iimbestigahan ang mga ipinatupad na flight cancellation ng Cebu Pacific.
Ayon kay CAB Legal Division Chief Atty. Wyrlou Samodio, patuloy ang kanilang isinasagawang evaluation sa pangyayari para matukoy ang tunay na dahilan ng Cebu Pacific sa pagkakansela ng maraming flights.
Nagsumite na rin aniya ng initial report ang Cebu Pacific kaugnay ng mga kinanselang flight noong Abril 28 hanggang ngayong araw.
Habang hihingan naman nila ng karagdagang paliwanag ang nasabing airline company sa mahigit limampung (50) cancelled flights mula Mayo 1 hanggang 10.
On-going po ‘yung ating pakikipag-usap kay Cebu Pacific atyaka ‘yung page-evaluate natin ng mga nangyayari. Pero actually po, ‘yung overbooking po is not one of the reasons po kahit po du’n sa ibinigay na dahilan ni Cebu Pacific, wala po du’n ‘yung overbooking at sa amin ding initial assessment hindi naman din po overbooking. Ang tinitignan po natin ngayon ‘yung mga dahilan na ibinigay nila like ‘yung bird strike, ‘yung air traffic congestion, ‘yung sa network nila, ‘yun po ‘yung inaalam po natin ngayon kung totoo.” ani Samodio.
Balitang Todo Lakas Interview