Nakatakdang imbestigahan din ng Civil Aeronautics Board o CAB ang mga airline companies sa posibleng pananagutan ng mga ito.
Ayon kay CAB Executive Director Wyrlou Samodio, hindi nila palalagpasin ang mga airline companies na bigong tumugon sa mga pangangailangan ng mga pasaherong na-stranded dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.
Kabilang umano sa mga dapat ay tinutukan ng mga airline company ay ang assistance gaya ng pagkain, rebooking at refund ng kanilang mga pasahero.
Sinabi ni Samodio na sa oras na mapatunayan na nagkulang ang kumpaniya ay magbabayad ito ng 5,000 piso kada violation sa kanilang pasahero.
—-