Hindi na kinukunsidera ang Caballo Island na maging quarantine site para sa mga persons under investigation (PUIs) dahil sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD).
Ayon ito kay Defense Secretary Delfin Lorenzana dahil hindi aniya accessible sa pamamagitan ng kotse ang Caballo Island na matatagpuan sa bukana ng Manila Bay.
Sa ngayon aniya ay tanging ang drug rehabilitation facility sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na lamang ang tinatarget nilang maging posibleng quarantine area.
Una nang ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Health (DOH) para ihanda ang quarantine areas sa gitna ng banta ng 2019 nCoV-ARD.