Magkakaroon ng cabinet meeting ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.
Ayon sa kalihim, wala pang detalye hinggil sa mga matatalakay sa cabinet meeting.
Dagdag ng kalihim, confidential ang mga paksang pag-uusapan.
Samantala, nakaantabay naman si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng pagdating ng bakunang Astrazeneca na mula sa Covax facility.— sa panulat ni Rashid Locsin