Planong mas dalasan ng Administrasyong Marcos ang pagsasagawa ng cabinet meeting sa Malacañang.
Kasunod ito ng hindi natapos na unang cabinet meeting kung saan, marami pang usapin ang kailangang talakayin.
Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga susunod na linggo, posibleng maging dalawa na ang cabinet meeting ng kaniyang gabinete upang ganap na mailatag ang mga plano sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Sinabi pa ni Marcos, na mahalagang maunawaan ng buong gabinete ang kanilang mga ipatutupad, at kung sa papaaanong paraan nila ito isasakatuparan.
Matatandaan na isang beses kada buwan lamang ang pagdaraos ng pulong ng mga miyembro ng gabinete sa Malacañang.