Iniurong ang cabinet meeting bukas, a-29 ng Hulyo.
Ito’y kasunod pa rin ng naganap na lindol dahilan upang ituon muna ng pansin ng mga nasa ehekutibo ang mga dapat nitong gawing aksyon na may kaugnayan sa naganap na pagyanig.
Ang impormasyon ay ibinahagi ni Office of the Solicitor General Menardo Guevarra.
Una nang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi malayong magkansela ng kanyang mga aktibidad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon dahil sa nangyaring mga kaganapan.
Bukod sa pagharap sa Malacañang Press Corps ay naging abala ang pangulo sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang puno ng ahensya ng pamahalaan na may malaking papel upang matugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating tinamaan ng pagyanig.