Dinagsa ng mga cabinet member ang pagdinig ng Senado sa umano’y anomalya sa frigate deal ng Philippine Navy.
Ang pagtungo nila sa Senado ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar ay bilang suporta kay Special Assistant to the President Bong Go na humaharap sa naturang pagdinig kasunod nang akusasyong nakialam sa nasabing kasunduan.
Sinabi sa DWIZ ni Andanar na ilalabas lahat ni Go ang nalalaman nito sa usapin na pilit isinasangkot ang nasabing opisyal.
Arrival of SAP Bong Go. sinamahan siya ni PCOO sec Martin Andanar sa pagpasok sa session hall.@dwiz882 pic.twitter.com/iH8YDX4sjs
— Cely O. Bueno (@OBueno) February 19, 2018
Binigyang diin naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na malinaw na direktang target ng nasabing usapin ang Pangulong Rodrigo Duterte at ginagamit na ang malalapit sa kaniya para sirain talaga ang kredibilidad nito.
DFA Sec Alan Cayetano-” dinamay lang si SAP Bong Go sa frigate controversy @dwiz882 pic.twitter.com/9oSl9nQVa3
— Cely O. Bueno (@OBueno) February 19, 2018
Bukod kina Andanar at Cayetano, nagpakita rin sa Senado bilang suporta kay Go sina Presidential Spokesman Harry Roque, Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III, Presidential Political Adviser Francis Tolentino, PCSO Board Member Sandra Cam, actor Robin Padilla at ilang supporter ng Pangulong Duterte.
Asec Mocha Uson said that SAP Bong Go is victim of rumors (tsimis) @dwiz882 pic.twitter.com/PfMXMMfqh4
— cely bueno (@blcb) February 19, 2018
(Ulat ni Cely Bueno)