Pansamantalang hahawakan ni cabinet secretary Leoncio ‘Jun’ Evasco ang Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Ito’y makaraang magbitiw si Vice President Leni Robredo nang hindi na ito pinayagan ni Pangulong Duterte na dumalo pa sa mga pagpupulong ng gabinete.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sabay na gagampanan ni Evasco ang HUDCC chief gayundin ang pagiging cabinet secretary.
Una rito, sinabi ni Andanar na mabigat sa kaloobang tinanggap ng pangulo ang pagbibitiw ni Robredo bilang miyembro ng gabinete nito.
By Jaymark Dagala