Inalok ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Baguio City bilang partner deal para sa isang cable car system mula La Union paakyat ng nasabing lungsod.
Ipinabatid ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa dinaluhang executive legislate meeting nuong isang linggo.
Ayon kay Magalong, inatasan ni Tugade si Transportation Undersecretary Mark Richmund de Leon na pabilisin ang kasunduan para sa nasabing proyekto na una nang isinulong ng kalihim nuong 2016.
Sinabi ng City government na isusumite muna sa kanila ang conceptual designs ng proyekto para ma review nila bago lumagda sa kasunduan.
Ang nasabing cable car system ang pinaglaanan ng P26-M feasibility study ng French government at tina target makumpleto sa taong ito.
Bukod sa Baguio City, tinitingnan din ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magkaroon ng cable car system sa nasasakupan ng Pasig river.
Suportado rin ng DOTr ang Baguio City government sakaling magpasya itong isulong ang monorail project kung saan una nang lumutang na gagawin sa pagitan ng Baguio at La Trinidad sa Benguet base na rin sa panukala ng Department of Science and Technology (DOST) Cordillera.