Pinag aaralan ng Duterte Administration ang posibleng paggamit ng Cable Car para maresolba ang krisis sa trapiko sa Metro Manila
Ipinabatid ito ni incoming DOTC Secretary Arthur Tugade na nagbunyag sa aniya’y kasalukuyang pakikipag usap sa isang kumpanyang gumagawa ng cable cars sa Bolivia
Nilinaw ni Tugade na wala pang tiyak na plano hinggil dito bagamat tanging concept pa lamang ang lumulutang
Uubra aniyang simulan ang Gondola na may 35 passenger capacity sa Pasig area bago Edsa
Binigyang diin ni Tugade na mas maganda ang paggamit ng cable cars kaysa gumawa pa ng mga daan na maaaring makapagpalala pa sa daloy ng trapiko
By: Judith Larino