Gumuho ang ilang bahagi ng Cadapdapan rice terraces sa Bohol.
Ito ay bunsod ng malakas na pag-ulang naranasan sa lalawigan.
Ayon sa ulat, aabot sa 100 metro haba at 5 metrong lapad ng naturang terreces ang nasira.
Wala namang napaulat na nasaktan sa nangyaring landslide.
Patuloy namang pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga residente na malapit sa lugar dahil sa posible pang masundan ang naturang pagguho ng lupa ngayong panahon ng tag-ulan.
By Ralph Obina
Photo Credit: www.boholtourismph.com