Kumpirmadong hazing ang ikinasawi ng isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na unang nakitang walang malay sa loob ng kanyang silid.
Batay ito sa resulta ng otopsiyang isinagawa ng mediko legal ng Baguio City.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa restrictive confinement na ng PMA ang tatlong persons of interest sa pagkamatay ni Darwin Dormitorio.
Isa-isa na rin umanong kinakausap ang may 20 testigo sa kaso.