Isang CAFGU member at hindi pa mabatid na bilang mga rebelde ang sugatan sa sagupaan ng militar at New People’s Army o NPA sa Rodriguez, Rizal.
Naganap ang engkwentro sa isang liblib na lugar sa Barangay Puray, noong Pasko.
Ayon kay 202 Infantry Brigade Commander, Brig. Gen. Arnulfo Burgos Junior, tumagal ng limang minuto ang sagupaan sa pagitan ng siyam na tropa ng pamahalaan at nasa dalawampung rebelde.
Plano aniya ng mga rebelde na salakayin ang Macaingalan Patrol base subalit napigilan ng mga nagpa-patrol na sundalo at CAFGU member.
Pinaniniwalaang mga miyembro mula sa NPA sub-regional party ng military area 4c sa ilalim ni Jonathan Mopon alyas commander “Boyong” ang mga nakasagupa ng militar.