Niyanig ng magkasunod na lindol ang Cagayan at Eastern Samar.
1:00 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa bayan ng Gonzaga sa Cagayan.
Naitala ang sentro ng pagyanig sa 49 na kilometro at may lalim na pitong kilometro.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3 na lindol ang San Julian, Eastern Samar, 2:10 ng madaling araw.
Makalipas lamang ng ilang minuto ay nakaranas ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Dolores.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, pawang tectonic ang origin ng mga naturang lindol at hindi inaasahan ang anumang pinsala o aftershocks.