Asahan parin na magiging makulimlim parin na may pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon partikular na sa Cagayan.
Generally fair weather condition o magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at sa nalalabing bahagi pa ng Cagayan Valley pati narin sa bahagi ng Calabarzon ngunit may posibilidad na mahihinang pag-ulan o isolated light rains dulot ng north east moonsoon.
Asahan naman ang thunderstorm sa bahagi ng Bicol Region, nalalabing bahagi ng mimaropa at palawan dahil sa intertropical convergence zone.
Magiging mainit at maalinsangan naman sa Visayas at Minadano pero may posibilidad na panandaliang pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Meron namang gale warning ang pagasa sa bahagi ng Ilocos Norte, Batanes at Babuyan Islands kayat pinag-iingat ang mga kababayan nating mangingisda na huwag munang pumalaot sa mga nabanggit na lugar.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay nasa 24 degrees celsius na aabot hanggang sa maximum na 32 degrees celsius.
Siiskat ang araw mamayang 5:58 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:24 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero