Muling ipinagutos ng Office of the Ombudsman ang pagpapasibak sa tungkulin ni Cagayan De Oro City Mayor Oscar Moreno.
Ito ay may kaugnayan sa mga maanomalyang kontrata na pinasok ni Moreno para sa pagrenta ng mga heavy equipment na ginamit sa pagsasaayos ng kalsada sa Misamis Oriental 2007 hanggang 2012 habang siya ay nakaupo bilang gobernador.
Ayon sa Ombudsman, nakitaan ng probable cause ang 18 counts ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Practices Act at Falsification of Public Documents na isinampa laban kay Moreno.
Tinukoy din ng Ombudsman ang report mula sa COA o Commission on Audit na sinasabing kaduda-duda ang pinasok na transaksyon ni Moreno dahil hindi dumaan sa proseso ng bidding ang kanyang supplier.
Matatandaang unang ipinagutos ng Ombudsman ang pagsibak kay Moreno noong Hunyo pero hinarang ng Court of Appeals (CA) matapos na magpalabas ito ng preliminary injunction.