Nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga residenteng inilikas mula sa iba’t ibang lugar sa Cagayan de Oro City makarang tumaas hanggang dibdib ang tubig baha.
Ayon kay Allan Porcadilla, Administrador ng City Disaster Risk Reduction Management Office CDRRMO (Cagayan de Oro City), humupa na rin ang tubig baha kayat maging ang mga estudyanteng na-istranded sa Mindanao University of Science and Technology ay nakauwi na rin.
Bagamat nakakaranas anya ng urban flooding ang Cagayan de Oro City, ito ang kauna-unahang pagkakataon na umabot sa hanggang dibdib ang taas ng baha.
Umabot sa 178 milimeter ang dami ng ulan na kung susumain ay labing limang araw na ulan na ibinuhos sa loob lamang ng anim hanggang pitong oras kayat hindi na umano ito kinaya ng drainage system ng syudad.
Una rito, isinailalaim na ng konseho sa state of calamity ang Cagayan de Oro City upang ayudahan ang mga nasiraan ng ari-arian.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Allan Porcadilla, Administrator ng CDRRMO (Cagayan de Oro)
Casualty
Sumampa na sa tatlo (3) ang nasawi sa malakas na pag-ulan at pagbahang naranasan sa Cagayan de Oro City.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala na rin sila ng 3 sugatan atay Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno, kinilala ang nasawi na si Rene Boy Cabido na mula sa barangay Agusan.
Nasawi si Cabido makaraang madaganan ito ng gumuhong pader ng kanilang bahay.
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview) | Ralph Obina