Nakahanda na ang Cagayan sa pananalasa ng bagyong Lawin.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, hindi na nila ibinaba ang kanilang alerto matapos manalasa ng bagyong Karen.
Sinabi ni Mamba na kabilang sa kanilang pinaghahandaan ay ang malakas na hangin na dala ng bagyong Lawin at ang posibleng muling pagtaas ng tubig sa Cagayan river.
Bahagi ng pahayag ni Cagayan Governor Manuel Mamba
Batanes
Samantala, nakaalerto na rin ang Batanes para sa pananalasa ng bagyong Lawin.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, umaasa silang hindi sila direktang tatamaan ng bagyong Lawin, subalit tiyak aniyang mararamdaman nila ito dahil sa lawak ng sakop nito.
Sinabi ni Cayco na kanila na ring pinalikas ang kanilang mga residente, lalo na yung mga nakatira sa mga bahay na nawasak ng nagdaang bagyong Ferdie.
Bahagi ng pahayag ni Batanes Governor Marilou Cayco
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas