Maayos na nalampasan ng lalawigan ng Cagayan ang halos magdamag na pagbuhos ng malakas na ulang dala ng bagyong Falcon.
Ayon kay Cagayan Governor Manuel Mamba, nagkaroon lamang ng bahagyang pagguho ng lupa sa bayan ng Baggao at isang kalsada doon ang apektado.
Gayunman, wala naman anyang napaulat na nasaktan o nadisgrasya sa insidente.
Sinuspindi na rin ng gobernador ang klase sa lahat ng antas upang matiyak na ligtas sa anumang kapahamakan ang mga estudyante habang nagpapatuloy ang pag-ulan.
Samantala, ipinaliwanag ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Cagayan na normal lamang ang pagtaas ng tubig sa bayan ng Gattaran dahil sinasalo nito ang lahat ng tubig ulan mula sa mas matataas na bayan patungo sa bukana ng Cagayan River.
Matatandaan na sa bayan ng Gattaran nag-landfall ang bagyong Falcon dakong 12:30 ng madaling araw.
Ratsada Balita Interview