Pansamantalang ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ng Cagayan ang pangingisda, paglalayag at paglangoy bilang pag-iingat sa posibleng hagupit dulot ng Super Typhoon Henry.
Pinayuhan din ang mga residente na maghanda sakaling kailanganin ng pwersahan o agarang paglikas sa lugar.
Sinuspinde narin ang klase sa lahat ng antas sa Calayan, Cagayan habang nagsasagawa naman ng clearing operations sa Bontoc, Mountain Province kasunod ng nagdaang landslides sa ilang lugar.
Samantala, nangangamba naman ang mga residente sa nasabing probinsya dahil hindi pa sila tuluyang nakakabangon mula sa hagupit ng nagdaang Bagyong Florita.
Sa ngayon, plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magpadala ng mga tauhan upang magbantay sa mga landslide prone areas. —sa panulat ni Hannah Oledan