Naghahanda na ang Cagayan sa inaasahang pagtama ng Super Typhoon Mangkhut sa probinsya.
Ayon kay Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Chief Ret. Col. Pedro Danguilan, inilalatag na ang preparedness plan upang maiwasan na magkaroon ng casualty at pagkasira ng mga ari-arian dahil sa bagyo.
Aniya, inaasahang higit 200,000 mga residente mula sa higit 100 barangay sa probinsya.
“Alam naman natin pag naging category ng ‘super typhoon’ itong si Ompong ay ineexpect po natin magkakaroon ng tinantawag na storm surge, flooding, atsaka yung landslide. So ito po yung mga posibleng pinaghahandaan natin and actually ginagawa na po natin yung tintawag natin na preparedness plan para maiwasan po yung unnecessary lost of lives and properties ng ating mga kababayan sa probinsya po.” Pahayag ni Danguilan.