Posibleng isama sa election watchlist ang probinsya ng Cagayan, kasunod ng pananambang ng NPA sa mga pulis na ikinasawi ng 6 at ikinasugat ng 15 iba pa.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, pinag-aaralan pa ng mga pulis sa lugar, ang pangyayari, at igagalang naman ng pamunuan ng pambansang pulisya ang magiging rekomendasyon ng lokal na pulisya.
Kasama sa mga ginagamit na batayan para isama sa election watchlist ang isang lugar ay ang pagkakaroon ng matinding awayan sa pagitan ng mga lokal na kandidato, at ang pagkakaroon ng mga armadong grupo.
By Katrina Valle | Jonathan Andal