Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng malawakang pagbaha sa bahagi ng Cagayan Valley Region.
Ito ay dahil nasa above critical level na ang upper, middle at lower portions ng Cagayan River, gayundin ang mga tributaries nito.
Sa pagtaya ng PAGASA, posibleng magtuloy-tuloy pa ang pagtaas ng tubig sa ilog ng Cagayan bunsod na rin inaasahang katamtaman hanggang sa malakas na ulang dala ng bagyong Vicky at tail-end of a frontal system.
Samantala, nananatili namang bukas ang anim na gates ng Magat dam sa Isabela at patuloy na nagpapakawala ng tubig, matapos ang naranasang malakas na pag-ulan sa lugar.
Sa pinakahuling tala kaninang alas sais ng umaga, umaabot na sa 191.32 meters ang lebel ng tubig sa Magat dam, ilang metro na lamang sa spilling level na 193 meters.