Nasa 10,800 doses ng CoronaVac ang natanggap ng Cagayan Valley.
Pahayag ni DOH-regional director Rio Magpantay, paghahati-hatian ng anim na ospital sa buong rehiyon ang mga nakuha nilang bakuna na gawa ng Sinovac Biotech.
Samantala, nagtalaga na rin ang 5th Infantry Division ng Philippine Army ng kanilang posibleng vaccination site para sa mga babakunahang sundalo sa rehiyon.