Nananatiling walang suplay ng kuryente ang buong lalawigan ng Cagayan.
Napag-alamang aabot sa 96 na poste ng kuryente ang tumagilid at 72 ang tuluyang bumagsak o nasira sa kahabaan ng Tuguegarao-Cabagan, Tuguegarao-Tabuk at Tuguegarao-Magapit-Sta. Ana 69 K-V lines.
Apektado ang mga kooperatiba ng kuryente tulad ng USELCO 2 at buong franchise ng KAELCO, CAGELCO 1 at CAGELCO 2 ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines.
Target ng NGCP na maibalik ang mga apektadong transmission lines sa Sabado, October 29.
Sinabayan na rin ng mga electric cooperatives ang NGCP sa pagtatayo ng mga natumbang poste ng kuryente.
By Len Aguirre