Inilagay na rin sa community quarantine ang bayan ng Cainta sa Rizal.
Ayon kay Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto, bilang pagsunod ito sa resolusyong ipinasa ng Inter Agency Task Force for The Management of emerging infectious disease na binasa ng Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko.
Nakapaloob sa resolusyon na kailangang ilagay sa community quarantine ang isang bayan kung magkakaroon ito ng dalawang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa magkaibang barangay.
Matatandaan na tatlo ang kaso ng COVID-19 sa cainta kung saan dalawa rito ang nasawi.
Sinabi ni Nieto na magkakabisa ang community lockdown sa Marso 15 kasabay ng community lockdown ng Metro Manila.
Samantala, ipagpapatuloy ang fumigation at misting activities sa Cainta upang maiwasan ang pagkalat ng virus.