Isinailalim na sa state of calamity ang buong Region 4A (Calabarzon).
Bunga ito ng malaking pinsala na dala ng pagputok ng Bulkang Taal.
Sa ilalim proclamation 906 na nilagdaan pa ng Pangulong Rodrigo Duterte noong February 21, nakasaad na mabibigyan ng mas malawak na access ang national government at ang lokal na pamahalaan sa Calabarzon na gumamit ng pondo para sa rescue, recovery, relief at rehabilitation effort sa mga lugar na sinalanta ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ang state of calamity sa Calabarzon ay magiging epektibo sa loob ng isang taon maliban kung maglabas ng panibagong anunsyo ang pamahalaan.