Malalaman ngayong linggo kung kailangan ng mas malalim na imbestigasyon sa naging operasyon ng mga otoridad sa CALABARZON na ikinasawi ng siyam na aktibista.
Ayon ito kay Justice Undersecretary Adrian Sugay matapos ipag-utos ng Malakanyang ang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Sinabi ni Sugay na nagsasagawa na ng vetting process ang Inter-Agency Committee na tumututok sa usapin, para mabatid kung nasa ilalim ito ng kanilang hurisdiksyon.
Kung sakali naman ay ire-refer aniya ang isyu sa Philippine National Police (PNP) para sa regular investigation.