Nakapagtala ng halos 300% ng COVID-19 cases ang Region 4 o Calabarzon ngayong buwan.
Ayon sa Health Education and Promotion Unit ng DOH-Calabarzon, nasa 2,122 ang kasalukuyang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon mula sa 733 noong July 1.
Nanguna sa may pinakamaraming kaso ng naturang virus ang Cavite na may 732 active cases, sinundan ng Batangas na may 554 cases, Laguna na may 462, Rizal na nakapagtala ng 310 at Quezon na may 83 cases ng COVID-19.
Wala naman pang sinabi ang regional health authorities kaugnay sa COVID-19 variants sa kasalukuyang mga aktibong kaso sa rehiyon.
Nabatid na wala pang inilalabas ang Inter-Agency Task Force on Infectious Disease (IATF) ng updated status ng COVID-19 alert level system sa bansa kung saan nasa ilalim ng alert level 1 ang mga naturang rehiyon hanggang kahapon.