Pababa na ang COVID 19 trend sa Region 4a o CALABARZON sa kabila nang pangunguna nito sa arawang average cases sa buong bansa.
Ayon kay Dr. Paula Paz Sydiongco, pinuno ng DOH center for health development sa CALABARZON nasa 821 na mga bagong impeksyon ang naitala sa rehiyon kung saan sumirit na sa 173, 118 ang kabuuang kaso ng COVID-19 dito.
Ipinabatid ni Sydiongco na batay sa mga naitalang kaso nitong Hunyo 8 makikita ang unti unting pagbaba ng kaso subalit kailangan pa rin itong bantayan at patuloy na ipaalala sa publiko ang minimum public health standards.
Sinabi ni sydiongco na ang lalawigan ng cavite ang nakapagtala ng mataas na kaso ng virus matapos ang pinalakas nilang contract tracing kung saan labing lima katao ang natukoy kada virus patient dahilan kayat nagtakda na ng quota Si Cavite Governor Jonvic Remula para sa RT-PCR laboratories.
Samantala nasa halos 500,000 na ang naturukan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa CALABARZON.