Nananatiling Vote Rich Regions sa 2022 polls ang CALABARZON, National Capital Region at Central Luzon.
Ayon kay COMELEC Spokesman, James Jimenez, ang Region 4A o CALABARZON na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezon, ang may pinakamaraming bilang ng registered voters na tinatayang nasa mahigit 9.1M.
Sinundan naman ito ng NCR, na may mahigit 7.3M voters, at Region 3 o Central Luzon naman na mayroong mahigit 7.2M voters.
Ang mga botante ng rehiyon ay 23.8M na, katumbas ng 32.23% ng 65,745,529 na kabuuang bilang ng mga registered voters sa buong Pilipinas. —sa panulat ni Mara Valle