Agad kumilos ang mga pamahalaang panlalawigan na sakop ng Region 4-A o ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na nasa ilalim ng tropical Storm Signal Number 1.
Nakakasa na ang mga plano ng pamahalaang panlalawigan ng Cavite para umayuda sa mga posibleng maapektuhan ng pananalasa ng super bagyo.
Naglabas din ng guidelines ang lalawigan ng Rizal gamit ang kanilang facebook page hinggil sa kanselasyon ng klase kapag may nakataas na babala ng bagyo at inabisuhan din ang kanilang mga kababayan para sa agarang paglilikas.
Maaga namang nagkansela ng klase sa mga paaralan sa lahat ng antas ngayong araw ang lalawigan ng Batangas mapa-pribado o pampublikong paaralan.
Habang pinayuhan naman ng mga lokal na pamahalaan ng Laguna at Quezon ang kanilang mga nasasakupan hinggil sa mga pag-iingat na dapat gawin tuwing may kalamidad.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco