Itinanggi ni CALABARZON Regional Police Chief Brig. General Vicente Danao na meron siyang kaanak na sangkot sa mga ilegal na aktibidad tulad ng jueteng.
Ayon kay Danao, matagal nang ginagamit ang kanyang pangalan sa mga ilegal na gawain sa CALABARZON.
Iginiit ni Danao na nakahanda siyang harapin ang anumang imbestigasyon para malinis niya ang kanyang pangalan.
Dagdag ng heneral, nais niya ring makaharap ang sinumang magpakilalang kamag-anak niya na sangkot sa mga ilegal na aktibidad at kanya itong sasampalin.
Pagtitiyak pa ni Danao, tuluy-tuloy ang mga ikinakasa nilang operasyon laban sa illegal gambling sa CALABARZON kung saan umaabot na sa mahigit 300 mga machines ang kanilang nakumpiska.
Magugunitang may isa umanong nagpakilalang kaanak ni Danao ang naaresto sa operasyon sa Cavite noong nakaraang linggo kung saan ibinunyag nitong ang pagkubra umano ng heneral ng P5-milyon mula sa mga gambling operators.