Nilinaw ng Office of Civil Defense (OCD) na mayroon pang calamity funds ang gobyerno, taliwas sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na said na ang pondo para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Inamin ni OCD Operations Service Director Bernardo Rafaelito Alejandrona mayroon pang 2 billion peso disaster funds na balanse ang pamahalaan.
Una nang inihayag ni Acting Budget Secretary Tina Canda na maaaring gamitin ng gobyerno ang nalalabing 2 billion sa National Disaster Risk Reduction Management Fund (NDRRMF) at karagdagang 2 billion mula sa contingent fund ng pangulo upang mapunan ang 10 billion pesos na pondo.
Gayunman, nananatili ang 4 billion pesos sa NDRRMF at hindi pa anya ito nais ng gobyerno na basta gamitin para sa disaster response.