Maaari nang makakuha ng calamity loan ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na nasalanta ng magkakasunod na bagyo simula sa Biyernes, Nobyembre 27.
Ayon kay SSS President Aurora Ignacio, sa ilalim ng calamity loan assistance, maaaring humingi ng 3 buwang advance pension ang mga pensioners at easy pensioners.
Maaari rin aniyang umutang bilang pampaayos ng mga nasalantang bahay.
Sinabi ni Ignacio, kinakailagan lamang nakapaghulog ng 36 na buwang kontribusyon nang walang mintis sa nakalipas na 6 na buwan.
Hindi rin aniya dapat nabibigyan ng ibang uri ng benepisyo tulad ng permanent total disability benefit, retirement package at walang outstanding loan o calamity loans.
Aarangkada ang assistance package ng SSS sa loob ng 3 buwan o hanggang Pebrero 26 ng susunod na taon.