Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Calatagan, Batangas ngayong Biyernes ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol, 15 kilometero hilagang-kanluran ng Calatagan.
May lalim ang pagyanig na 82 kilometro at naramdaman dakong alas-9:36 ng umaga.
Dahil sa lindol, naitala ang intensity 1 sa Quezon City habang instrumental intensity 3 sa Puerto Galera at Oriental Mindoro.