Niyanig ng magnitude 6.7 ang Calatagan, Batangas ngayong sabado ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol dakong 4:49 ng madaling araw na may tectonic origin at may lalim na 116 kilometers.
Naramdaman ang pagyanig sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
Kasunod nito, nagpaalala ang phivolcs sa publiko na mag-ingat sa anumang posibilidad na aftershocks.