Muling niyanig ng Magnitude 3.3 na lindol ang Cagayan Province alas-6:17 kagabi.
Namataan ang lindol sa layong 84 km sa Munisipalidad ng Calayan, Cagayan.
May lalim ang lindol na 22 km at tectonic ang origin o pinagmulan nito.
Una nang niyanig ng kambal na lindol noong Mayo a-17 ang nabanggit na lugar kung saan, naitala ang Magnitude 5.4 na sinundan ng Magnitude 3.7 na lindol.
Wala namang naitalang nasawi o nasugatan matapos ang pagyanig.