Nagkasa na ng preemptive evacuation sa Calayan, Cagayan dahil sa inaasahang epekto ng Bagyong Siony.
Umabot sa 12 pamilya ang inilikas mula sa Barangay Balatubat, Camiguin Island at dinala sa evacuation center sa Lyceum of Camiguin.
Inabisuhan na rin ang mga residente sa coastal areas na maging maingat at alerto sa posibleng pagkakaroon ng flashflood at coastal flooding.