Nagpatupad ng balasahan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Calbayog City Police Office sa lalawigan ng Samar.
Ito’y kasunod ng nangyaring pagkamatay ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino at ng limang iba pa kabilang na ang tatlong pulis.
Ayon kay PNP officer in charge P/LtG. Guillermo Eleazar, sinibak sa puwesto ang chief of police ng Calbayog City na si P/LtC. Niel Montaño gayundin ang siyam na mga tauhan nito.
Papalitan si Montaño ni P/LtC. Rodolfo Alborta habang si P/Maj. rUEL BURLAT naman ang uupo bilang bagong hepe ng kanilang intellegence unit kapalit ni P/LtC. Fernando Calabria Jr. na una nang sinibak sa puwesto.
Magugunitang sinibak si Calabria sa puwesto matapos namang humingi sa korte ng listahan ng mga abogadong kumakatawan sa mga indibiduwal na nai-uugnay sa CPP-NPA.