Isinailalim sa state of calamity ang Calbayog City sa lalawigan ng samar bunsod ng mga pagbahang dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Low Pressure Are (LPA).
Idineklara ang state of calamity sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMO). Kinakailangan ang agarang pagtugon sa mga residenteng apektado ng pagbaha.
Tinatayang mahigit 58 na mga barangay at 9, 317 na pamilya ang apektado ng baha habang aabot sa P7- M halaga ang napinsala sa sektor ng agrikultura.
Matatandaang nauna nang isailalim sa state of calamity ang iba pang lugar sa Eastern Visayas. - sa panunulat ni Maze Aliño-Dayundayon