Niyanig ng magnitude 6.8 na lindol ang karagatang sakop ng New Caledonia.
Ayon sa ulat, natukoy ang sentro ng lindol sa layong dalawampu’t siyam (29) na kilometro ng Noumea.
Bagamat malakas ang pagyanig, wala namang ipinalabas na tsunami warning ang Pacific Tsunami Warning Center.
Ang New Caledonia ay French territory na nasa Pacific Region.