‘Calibrated easing of quarantine measures’.
Ito ang isinusulong ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro matapos lumutang ang mga pananaw sa posibilidad na pagsailalim sa general community quarantine (GCQ) mula sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR Plus matapos ang ika-15 ng Mayo.
Sinabi sa DWIZ ni Teodoro na kailangang balansehin ang pangangailangang pang ekonomiya lalo na’t bumababa na ang trend ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases.
Ayon kay Teodoro, sa lalong madaling panahon ay kailangang magpulong na ang Metro Manila mayors para plantsahin ang susunod na quarantine status sa NCR.
Nakikita natin na ang strain ng COVID cases natin ay bumababa ngunit gusto pa rin natin na ito ay maging below the critical level. Pero kailangan balansehin na natin ‘yung pangangailangan ng ekonomiya, kaya nakikita ko, kailangan natin ng calibrated easing of quarantine measures natin,” ani Teodoro. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais