Pinaplano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magpatupad ng “calibrated” na pag-iimport ng sibuyas para maprotektahan ang mga magsasaka at mamimili sa panahon ng anihan.
Ayon kay Kristine Evangelista, Assistant Secretary ng Agriculture Department, isa ang gawain sa ikinokonsidera ng pamahalaan.
Ngunit sa ngayon sinabi ni Evangelista na hinihintay pa nila ang ulat kung ilan ang mag-aapply para sa importasyon, lalo’t mayroong cut-off nang ipatutupad dito.
Tiniyak naman ni Evangelista na may nakatakdang parameter o batayan ang Bureau of Plant Industry (BPI) sa pag-aangkat ng sibuyas para maprotektahan ang mga harvest ng magsasaka sa Pilipinas.
Sa huling datos, bumaba na sa P250 kada kilo ang farmgate price ng sibuyas, mas mababa kumpara sa P700 kada kilo noong Disyembre.
Samantala, nasa P400- P550 naman ang retail prices ng sibuyas batay sa pang-araw-araw na monitoring ng DA sa 13 palengke sa Metro Manila.