Ipinagtanggol ni Solicitor General Jose Calida ang NTC matapos batikusin dahil sa closure order sa ABS-CBN na nag off air na simula kagabi.
Ayon kay Calida hindi dapat sisihin ang NTC na sumusunod lamang din sa batas na nagsasabing hindi nito maaaring payagang makapag operate ang isang broadcasting company ng walang valid franchise mula sa kongreso.
Sinabi ni Calida na 2016 pa nakabinbin sa kongreso ang panukala hinggil sa renewal ng prangkisa ng Kapamilya Network subalit hindi naman ito inaksyunan ng kongreso kaya’t nagtatanong siya kung sino ang dapat sisihin dito.
Tinawag ni Calida na triumph of the rule of law ang naging desisyon ng NTC matapos tukuyin ang 2003 Supreme Court decision hinggil sa itinakdang precedent para sa kapangyarihang ito ng NTC.