Kinasuhan ng katiwalian ng isang private citizen sa Office of the Ombudsman si Solicitor General Jose Calida.
Nag–ugat ang inihaing kaso ng isang Jocelyn Marie Acosta, na paglabag sa anti–graft and corrupt practices act; dahil sa kabiguan umano ni Calida na tugunan ang interes ng taumbayan.
Pinagbibitiw din ni Acosta si Calida sa pwesto dahil sa pagkakasangkot umano ni Calida sa imoralidad; pagwawaldas ng pondo ng taumbayan at pagpabor sa mga Marcos.
Binanggit din ni Acosta sa kanyang reklamo na nagkaroon ng affair si Calida sa isang bente dos anyos na executive assistant at intern ng Office of the Solicitor General.
Aminado naman si Acosta na supporters siya ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno pero itinanggi nito na may nagdikta sa kaniya para magsampa ng kaso.