Patay ang isang call center agent matapos pagbabarilin sa Pasay City kaninang madaling araw
Ayon kay SPO2 Dennis Desalisa, natagpuang nakahandusay sa gilid ng service road sa Cuneta Astrodome si Mark Collantes Borromero, 38 Anyos.
Batay sa kwento ng saksing si Ernesto Sarmiento, isang jeepney driver, pasado ala-1:30 kaninang madaling araw nang makita niyang hinahabol at pinapuputukan ng baril ang biktima ng tatlong hindi nakikilalang suspek
Nakorner ng mga salarin ang call center agent sa may service road at doon ito malapitang binaril
Narekober ng pulisya sa crime scene ang sampung basyo ng bala habang natamaan naman ang ilang sasakyang nakaparada sa lugar
Inaalam na ng mga otoridad ang motibo sa krimen
SMR: RPE