Isang Call Center Agent ang nasawi, at tatlong iba pa, kabilang ang isang paslit, ang nasugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Bago City, Negros Occidental.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si John Paul Montaño, 25-anyos.
Ayon sa Bago City Police Station, minamaneho ni Montaño ang kaniyang motorsiklo patungong Barangay Poblacion ng nasabing lugar nang bumangga ito sa tricycle na minamaneho ni Joel Necesario, 34-anyos, kasama ang kanyang asawa at ang kanilang tatlong taong gulang na anak, bilang mga pasahero.
Nag-overtake si Montaño sa isa pang motorsiklo at nag-overlap sa lane ni necesario habang pababa.
Nabigo si Montaño na bumalik sa kanyang lane dahil sa mabilis nitong pagmamaneho.
Mabilis namang dinala sa ospital ang mga nasugatan ngunit hindi na umabot ng buhay sa ospital si Montaño dahil sa tinamo nitong matinding pinsala sa insedente.