Balik-eskwela na ang 25 milyong estudyante sa buong bansa ngayong araw na ito.
Ayon sa Department of Education (DepEd), 1.6 na milyon dito ay magsisimula sa Senior High o Grade 11 na bahagi ng K to 12 program.
Tiniyak ni Education Assistant Secretary Jesus Mateo na nagdagdag na sila ng libu-libong guro at nagpatayo na rin ng mga bagong silid-aralan bilang tugon sa nasabing programa.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Mateo na alas-6:00 pa lamang ngayong umaga ay bukas na ang kanilang Oplan Balik Eskwela Call Center para tumanggap ng mga tawag o reklamo sa unang araw ng pasukan gayundin ng mga tanong hinggil sa pagsisimula ng full implementation ng K to 12 program.
By Judith Larino
Photo Credit: deped