Pinayuhan ni UN Special Rapporteur on Extrajudicial Executions Agnes Callamard si Tourism Secretary Wanda Teo na idulog sa gobyerno at Philippine National Police (PNP) ang isyu ng EJK sa bansa sa halip na patahimikin ang mga nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga kaso ng pagpatay.
Ito ay matapos sabihin ni Teo na nakakapaminsala sa turismo ang mga isiniwalat ni Vice President Leni Robredo sa UN hinggil sa ‘palit-ulo’ scheme sa ilalim ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.
Giit ni Callamard, mas mahalaga pa rin ang buhay ng tao kaysa sa turismo kayat hangad nito na mawala na ang pinag-uugatan ng mga walang pakundangang pagpatay.
Una rito nanawagan din si Callamard na tanggalin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kondisyon nito para kanyang maimbestigahan ang mga kaso ng EJK sa Pilipinas.
By Ralph Obina